Liza Soberano, natuwa sa kanta ng Blackpink, Selena Gomez


Tila natupad na pangarap para kay Liza Soberano ang pagtatambal ng K-pop girl group na Blackpink at American singer na si Selena Gomez, na pareho umano niyang iniidolo.



"I am the biggest Blink and Selenator, and it's like a dream come true that they're finally doing a collaboration," ani Soberano, na tinutukoy ang fan club ng 2 artists, sa reaction video niya sa kantang "Ice Cream" na ini-upload noong Sabado.

Pagkatpaos panoorin ang music video, sinabi ni Soberano na nagustuhan umano niya ang kanta.
loading...

"It's cute," anang aktres.

"Selana was so blooming and beautiful. Blackpink, better than ever as always... I love the song, I love them all. I love the visuals, I love the outfits," dagdag ni Soberano.

Todo-hanga rin si Soberano sa Blackpink member na si Lisa dahil sa pag-rap nito.

"I'm getting goosebumps with Lisa. I'm shaking so much," sabi niya.

Inilabas noong Biyernes ng Blackpink ang "Ice Cream," na collaboration nila kasama si Gomez at isa sa mga kanta sa album na ilalabas nila sa Oktubre.

Noong nakaraang taon, dumayo si Soberano sa California, United States para mapanood ang performance ng Blackpink sa Coachella music festival.


Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!


Post a Comment

Previous Post Next Post