VIRAL: 'I married my ex-boyfriend'

Mabilis na nag-viral ang post na may pamagat na "I Married my Ex Boyfriend" ng netizen na si Aika Ota-Paglinawan.

Emosyonal na ikinuwento ni Aika ang love story nila ng kanyang ex-boyfriend na pinakasalan din niya. 2010 daw nang una nilang pasukin ang isang relasyon sa murang edad na 13. Dahil sa masyado pa silang bata nagkahiwalay din sila.

Ngunit di nawalan ng pag-asa si Aika at ramdam niya na magtatagpo rin ang landas nila ni Clark Sebastian Paglinawan. Di nga nagkamali ng pakiramdam si Aika. Siyam na taon ang lumipas at muli silang nagkita ni Clark.

loading...

Pakiramdam daw nila na lahat ng bagay sa panahong iyon ay tama. Lahat daw nang nagyari sa buhay ni Aika ay naging positibo nang muling makasama si Clark.

Kaya naman nang bitawan na nito ang katagang "Will you marry me", di na nagdalawang isip pa na sumagot ng "Yes" si Aika.

Masasabing maswerte nga raw ang dalawang ito na kahit nagsimula sa murang edad at nagkahiwalay din, muling nagtagpo ang landas nila dahil sila pala talaga ang itinadhana para sa isa't isa.

Photo credits to Aika Ota-Paglinawan FB


Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Post a Comment

Previous Post Next Post