Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing binigyan ng limang araw na pagsasanay sa tulong ng Yes Pinoy Foundation at ilan pang ahensiya ang mga natanggap na rider.
Si Carlo Kaunes, stuntman sa seryeng "Descendants of the Sun," sinabing nakaramdam siya ng depression nang biglang matigil ang kaniyang trabaho at mawalan ng pagkakakitaan.
"Kung kani-kanino po ako nangungutang para kasi sa mga anak ko, sa family ko," saad niya. "Tapos hanggang sa umiyak na 'ko sa magulang ko. Sabi ko, 'Hindi ko na kaya, ma.'"
loading...
Si Paolo Molina na 16 na taon na sa film and television industry, sinabing mahirap ang biglang mawalan ng kanilang ikinabubuhay.
"Bilang tatay hindi mo alam kung saan ka kukuha ng lahat ng mga pangangailangan ng bahay namin," pahayag niya.
Ayon kay Dingdong, mahalaga na sumailalim sa pagsasanay ang mga rider dahil na rin sa mga sakunang nangyayari sa mga motorsiklo.
"Kung sakaling mangyari sa kanila or makakita sila ng kasamahan nila sa mga kalsada na naaksidente, alam nila kung paano mag-respond," anang aktor.
Sinabi pa ni Dingdong na binigyan din ng payo ang mga rider tungkol sa financial management para matulungan sila kung papaano gagamitin ang kanilang kita.
Ayon pa sa aktor, looking forward din siya na maghatid ng serbisyo sa Dingdong App dahil ginawa na raw niya minsan na magdeliber ng bulaklak sa flower business ng kaniyang misis na si Marian Rivera.
"Masaya akong ginawa ko para sa kanya 'yun and ito is parang a scaled version of that," sabi ng aktor.
Post a Comment