Mga Kapamilya at Kapuso stars at news personalities na naglipatan sa AllTV (AMBS 2)

ambs shows ambs channel ambs channel 2 willie revillame news today cnn philippines channel is cnn philippines owned by abs-cbn what is cnn philippines cnn philippines audience reach

Ipagdiriwang ni former Senate President Manuel Villar at ni Senator Cynthia Villar ang kanilang 47th wedding anniversary sa September 13, 2022.


Kasabay nito ang soft launch ng ALLTV, ang television station ng family-owned All Media Broadcasting System (AMBS).

ALLTV na ang bagong pangalan ng AMBS 2.


loading...

May bago na rin itong logo na kulay berde at orange, na mga paboritong kulay ng former Senate president.

May slogan itong “Sana All, Saya All” dahil good vibes, katatawanan, at kasiyahan ang ihahatid nila sa televiewers.

Mapapanood simula sa Martes, September 13, sa ganap na alas-dose ng tanghali, ang lahat ng mga bagong programa ng ALLTV.

Pangungunahan ito ng Wowowin: Tutok To Win, ang game show at public service show ni Willie Revillame.


Si Willie ang mag-aanunsiyo ng listahan ng mga programa ng ALLTV at gagawin niya ito sa live broadcast sa official Facebook page at YouTube channel ng Wowowin ngayong Lunes ng gabi, September 5, 7 p.m.

Sasabihin na rin ni Willie ang pangalan ng news personalities at mga artistang dating Kapamilya at Kapuso na magiging bahagi ng mga programa ng ALLTV. Kagulat-gulat ito dahil hindi inaasahang lilipat sila sa magbubukas na broadcast network ng mga Villar.

Sina Willie at Toni Gonzaga ang dalawa sa mga kumpirmado na contract stars ng ALLTV pero may mga makakasama silang mga personalidad na beterano at iginagalang sa entertainment industry na regular na mapapanood sa television network ng AMBS.

Bukod sa kaabang-abang at interesting announcement na gagawin ni Willie, mamimigay pa rin siya ng cash prizes sa lahat ng mga tututok ngayong gabi sa live streaming ng Wowowin.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Post a Comment

Previous Post Next Post